Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes na bumaba pa ang weekly Covid-19 positivity rate nationwide at sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na nationwide positivity rate ay bumaba mula sa dating 14.8% noong Hunyo 10, hanggang sa 13.2% na lamang noong Hunyo 11.

Samantala, ang NCR positivity rate naman ay bumaba rin mula sa dating 14.6% noong Hunyo 8 hanggang 11.6% na lamang noong Hunyo 10.

Ayon pa kay David, bumaba na rin ang positivity rates sa Bataan (32%), Batangas (16.2%), Benguet (16.1%), Bulacan (12.5%), Cavite (16.3%), Isabela (40.6%), Laguna (18.1%), Palawan (17.9%), Pangasinan (19.4%), Quezon (24.1%), Rizal (12.5%), at Zambales (17.5%).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nakapagtala naman umano nang pagtaas ng positivity rates ang Cagayan (28.8%), Camarines Sur (34.9%), La Union (19.5%), Oriental Mindoro (48.3%), Pampanga (29.9%), at Tarlac (23.5%).

“7-day testing positivity rate in NCR decreased from 16.7% to 11.6% as of June 10, 2023. In Luzon, positivity rates went up in Cagayan, Camarines Sur, La Union, Oriental Mindoro, Pampanga, Tarlac. Other provinces had a decrease in positivity rate,” tweet pa ni David.

Aniya pa, very low ang naitalang positivity rates sa Davao del Sur habang nakapagtala naman ng pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 ang Aklan, na may very high positivity rates, gayundin ang Negros Occidental at South Cotabato.

“7-day testing positivity rates in Visayas and Mindanao. Davao del Sur had low positivity rates. Upticks were observed in Aklan (very high positivity rate), Negros Occidental, South Cotabato,” aniya pa