Sa paggunita ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes, Hunyo 12, nanawagan si Caritas Philippines President Bishop Colin Bagaforo para sa mas malinis na proseso ng eleksyon sa gitna umano ng papalapit na barangay at SK elections sa bansa.

"On this momentous occasion of our 125th Independence Day, Caritas Philippines strongly advocates for a cleaner and more transparent election process. We believe that genuine democracy is built on the foundations of integrity and social responsibility,” ani Bishop Bagaforo sa isang pahayag ng Caritas Philippines, ang social action at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“We must elect leaders who are committed to upholding democratic values, promoting good governance, and championing social justice. By exercising our right to vote wisely, we can actively shape the future of our nation,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na kailangan ng bansa ang mas mahusay na proteksyon sa ekolohiya, pinabuting kapayapaan at kaayusan, pinahusay na pagsunod sa katarungan at kapayapaan, at isang repormang sistema ng edukasyon upang maiangat umano ang buhay at maitaguyod ang dignidad ng bawat Pilipino, na sumasalamin sa tunay na kahalagaahan ng kalayaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mahalaga rin umano para sa pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang magarantiya ang transparency, pananagutan, at integridad sa buong halalan.

"Together, let us forge a more just and equitable society, where every Filipino can live with dignity and freedom,” ani Bishop Bagaforo.

“Caritas Philippines remains steadfast in its commitment to advancing the welfare of the Filipino people, upholding democratic values, and nurturing a society rooted in justice and compassion," saad pa niya.