Nagbuga na rin ng abo ang Mayon Volcano nitong Linggo ng gabi.

Sa larawang kuha ni Manila Bulletin photographer Ali Vicoy, kitang-kita rin ang pagdausdos ng mga bato mula sa bunganga ng bulkan.

Ang rockfall events ay kasabay din ng pagbuga ng abo.

Nauna nang nagsagawa ng paglilikas sa permanent danger zone (PDZ) sa palibot ng bulkan matapos makitaan ng abnormalidad ang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Kabilang sa anim na kilometrong radius PDZ ang Camalig, Ligao City, Daraga, Guinobatan, Malilipot at Tabaco sa Albay.