Marami ang namangha at humanga na netizens nang bumulaga sa ">TikTok ang pag-awit ng batikang singer-actress na si Lilet Esteban ng kantang “Voltes V no Uta.”

Bagamat maiksi lang ang pagkaka-kanta ni Lilet pero napa-wow at nagustuhan ito ng mga netizens. Sa katunayan nga ay nasa 1.2M views na ito pero sa ibang platform ay nasa 2.3M views and still counting.

Ang nakakaloka mas nagustuhan ng mga netizens ang version ni Lilet dahil parang original daw ang pagkaka-awit na ang sabi ni Lilet ay 'auntie version' daw. 

Saad nga ng netizen sa comment section ng Tiktok, “Parang kayo po ang orig na kumanta. Mas maganda ang dating sa tenga. God bless u more idol.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Wala pa rin talagang kupas ang boses ni Lilet, napakagaling pa rin. Pati hitsura hindi rin nakaligtas sa mga netizens dahil ang ganda pa rin daw nito at mukhang hindi raw tumatanda.

Kaya sa dami ng magagandang compliments ay sinasagot talaga ni Lilet at nagpapasalamat. Pati nga mga teleserye na ginampanan niya noon at pelikula ay pinaalala ng mga netizens sa kanya na ikinatuwa ng mahusay na singer. 

Obvious naman na namiss talaga siya ng mga tao lalo na ng mga generation ng 80s at 90s. Maging ang kanyang awitin na pinatutugtog sa radio stations ay nagugustuhan din ng mga millennials at Gen Z.

Para sa kaalaman ng iba si Lilet ay dating member ng sikat na show noon na “That’s Entertainment” ng the late German “Kuya Germs” Moreno. Siya ang tinagurian noon na "The Muse of OPM." Tukso nga sa kanya noon ay "Maria Clara" dahil sa pagiging sobrang mahinhin kumilos. 

Minsan din siyang naging pride ng Pilipinas noon nang mapili siyang umawit ng “Tomorrow’s People” na international commercial ng Coca-Cola noong 1987 kasama ng mga ibang lahi na kabataan na kinunan pa sa Liverpool, England. Kilala siya sa mga awitin gaya ng “Kaibigan Lang Pala,” “Kahit Bata Pa,” “Kay Palad Mo,” at “Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib.” 

Happily married at may anak si Lilet kay Jay Esteban na former model, television host, news anchor at pastor.