Yumanig pa ng apat na beses ang Taal Volcano sa nakaraang 24 oras.

Naitala ang pagyanig simula 5:00 ng madaling ng Sabado hanggang 5:00 ng madaling araw ng Linggo.

Huling nagbuga ng 6,304 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Hunyo 10.

Nasa 900 metrong taas ng usok ang pinakawalan din ng bulkan at ito ay tinangay ng hangin pa-hilagang silangan

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Naobserbahan din ang panandaliang pamamaga ng kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island

Ayon sa Phivolcs, bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal dahil posibleng magkaroon ng phreatic explosions, manipis na ashfall at pagbuga ng nakalalasong usok.

Nasa Level 1 pa rin ang alert status ng bulkan.

Kaugnay nito, tatlong volcanic earthquake ang naitala naman sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras.