Usap-usapan ngayon ang pagtatalo-talo ng fans nina "Magandang Buhay" momshie host Jolina Magdangal at tinaguriang "Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa Twitter, patungkol sa titulong "Pop Icon."

Pumalag kasi ang ilang fans ni Jolens matapos gamitin ang "Pop Icon" sa pagpapakilala kay Julie Anne bilang isa sa mga coach ng "The Voice Generations" na mapapanood sa GMA Network.

Anang Jolens fans, wala pa raw "K" tawaging Pop Icon si Julie Anne dahil ni isang kanta nito ay wala naman daw maalala, sumikat, o tumatak sa madlang peepz.

Samantalang si Jolens daw, hindi lamang mga awitin ang sumikat kundi maging expressions gaya ng "Chuva Chu Chu" at maging ang estilo ng pananamit at pag-aayos sa sarili. Naging hit din ang mga serye at pelikula nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at kuda ng netizens sa Twitter:

"Sa ambag niya sa industriyang ito, hindi na kailangan patunayan kung bakit isang pop icon ang nag-iisang JOLINA MAGDANGAL."

"I remember every girl kid/teen trying to imitate what Jolina is wearing if seen on TV. Remember those hats? those butterfly hair thingies? That's what made me crush hard on my elementary classmates. I don't see Julie having the same impact."

"Uy, may karapatan naman din si Julie Anne maging Pop Icon, marami na rin naman siyang napatunayan. Okay rin naman siya aktingan like sa MCAI."

"Let’s stop living in the past. Here are the receipts. Now who’s more successful and who’s long overdue?"

"Jolina Magdangal is one of the best-selling artists, most successful multimedia artists & influential figure in pop culture."

"Nakakaawa din naman si Japs. Na-bash nang husto kahit hindi naman sa kaniya galing yung tawagin siyang pop icon. Nag-resort pa sa ad hominem yung iba. On the other hand, maling-mali naman kasi yung ibang fans niya na binastos ang isang Jolina Magdangal. Respeto na lang sana."

"Jolina's big move to GMA was a total FLOP due to her old-fashioned image and vibe! UNSUITED for MODERN TV, particularly at GMA where HOTTER stars with STRONGER mass appeal swallowed her up. Jolina couldn't keep up with the trend! Hahaha."

"90s era pa to beh. Hindi siya kilala ng Gen Zs at younger millennials. Wala akong alam sa mga kanta niya kasi maybe hindi ko naabutan. She's a POP Icon but not to my generation. Wag kayo mag-invalidate ng success ng mga new pop singers. Sila ang may relevance sa new gen now."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Jolina o Julie Anne mismo tungkol sa isyu.