Inaasahang matatapos na sa Hunyo 19 ang siphoning operations o pagsipsip ng natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon sa isang opisyal ng Coast Guard.

“Hopefully we can beat the target or we can beat the deadline by June 19 na matapos na iyong oil spill. Nakita ko kasi iyong mga video niya na iaakyat na iyong mga langis,” ani Rear Admiral Armand Balilo, Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson, sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Hunyo 10.

“Hopefully, by June 19, ay tapos na iyong syphoning operations,” dagdag niya.

Sinabi ni Balilo na hindi na maikakalat ang langis sa mga lugar na malapit sa site ng lumubog na oil tanker, at gumamit umano ang mga personnel ng catch can para pigilin at kolektahin ang seepage.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsimula aniya ang siphoning operations noong Mayo 29 sa tulong ng isang Dynamic Support Vessel (DSV) Fire Opal na chartered ng Malayan Towage and Salvage Corp. (MTSC).

Lumubog ang tanker sa karagatan ng munisipalidad ng Naujan noong Pebrero 28, habang may dalang 800,000 litro ng industrial fuel oil.

Gumagamit ang MTSC ng mga remotely operated vehicles (ROVs) para buksan ang mga cargo oil tank sa barko. Ang deployment ng mga ROV ay nagbibigay-daan umano para sa tumpak at kontroladong pag-access sa mga nakalubog na compartment.

Upang kolektahin ang natitirang langis, isang espesyal na catch can ang inilagay sa lokasyon ng lumubog na tanker, na nasa lalim na 400 metro sa ibaba ng sea level.

Ang catch can ay nagsisilbing containment device na kumukuha ng anumang langis na inilabas sa panahon ng siphoning process.

Sa walong compartment sa tanker, sinabi ni Balilo na dalawa sa mga ito ay naglalaman pa rin ng malaking halaga ng langis.

Ang dalawang compartment na ito ay tinatarget para sa extraction, habang ang natitirang mga compartment ay naproseso na, dagdag ni Balilo.

Betheena Unite