Tatagal lamang ng 45 araw ang ipamamahaging food packs sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ang sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa pagbisita nito sa Barangay Anislag sa Legazpi, Albay nitong Sabado kung saan pinangunahan ang pamamahagi ng family food packs (FFPs).

“Instructed by President Ferdinand Bongbong Marcos na siguraduhin na ang preparation ng gobyerno, lalo na ng DSWD ay in place,” anang kalihim.

Aniya, nasa 102,000 FFPs ang nakalaan para sa mga taga-Albay at karatig-lalawigan na apektado ng tumitinding pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“There are 60,000 in Albay and the 42,000 FFPs are in neighboring provinces that we can easily pull out. We are still stockpiling so it is easy to get. The DSWD is ready to make sure the needs will be supplied in terms of food by affected evacuees and residents. The President’s instruction is to ensure that no one is hungry in different evacuations,” dagdag pa ni Gatchalian.

Sa datos ng Albay Public Safety Emergency Management Office, halos 4,400 na pamilya ang apektado ng nakaambang pagsabog ng bulkan.

Kabilang sa apektado nito ang Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, Tabaco City, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City.

Philippine News Agency