Itinuwid ng Kapuso comedian, director, at writer na si Michael V o "Bitoy" ang mga kumakalat na pekeng balita sa mga pahayagan, na umano'y inalok siyang mag-host ng bagong "Eat Bulaga!" subalit tinanggihan niya ito.
Makikita mismo sa Facebook post ni Bitoy ang screenshots ng dalawang tabloid newspaper na nag-ulat tungkol dito; mababasang nilagyan niya ito ng "fake news."
"FAKE NEWS ALERT!" panimula ni Michael V.
"While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS."
"WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment."
"It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes."
Ibinahagi rin ni Bitoy ang YouTube link kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga noon, matapos niyang maging bahagi rin nito.
"Sa mga nagtatanong naman kung ano ang naging DAHILAN NG PAG-ALIS KO dati sa EB, nasagot ko na po ‘yan sa #BitoyStory 11 (around 02:43 mark) originally posted on October 4, 2018," ani Bitoy kung saan sinagot niya ang dahilan ng pag-alis sa noontime show.
"I hope this clears things out for anyone who’s asking. Maging maingat at matalino po sa pagbabasa at pagri-research para hindi tayo mabiktima ng FAKE NEWS," giit pa ni Michael V.
https://youtu.be/_i_W3u27aNw