Posibleng lumabas ng bansa ang bagyong Chedeng na may international name na Guchol.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), palayo na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo.

Inaasahang lalabas ito ng bansa nitong Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.

Huling namataan ang bagyo 990 kilometro silangan ng dulong northern Luzon at kumikilos pa-hilagang silangan ng bansa.

Humihina na ang bagyo at taglay na lamang ang hanging 130 kilometers per hour (kph) agt bugsong hanggang 160 kph.

"However, the Southwest Monsoon enhanced by Chedeng will bring occasional to monsoon rains over the western portions of Luzon and Visayas in the next 3 days," sabi ng PAGASA.