Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng hapon, Hunyo 11, na humina na sa severe tropical storm ang bagyong Chedeng habang patuloy itong kimikilos patungo sa hilaga hilagang-silang ng Philippine Sea.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo 1,210 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 110 malapit sa sentro at pagbugsong 135 kilometer per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 25 kilometer per hour.

Wala pa ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA na dulot ng nasabing bagyo.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

“The Southwest Monsoon enhanced by CHEDENG will bring occasional to monsoon rains over the western portions of Luzon and Visayas in the next 3 days,” anang PAGASA.

Maaari umanong magdulot ang paglakas ng Southwest Monsoon sa susunod na dalawang araw ng pagbugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Patuloy naman umanong lalayo ang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas, at aalis sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.