Dinakip ng pulisya ang apat katao matapos mahulihan ng dalawang truck ng puslit na sigarilyo sa ikinasang operasyon sa Zamboanga del Sur kamakailan.

Ang apat na suspek ay kinilala ni Zamboanga del Sur Police chief Col. Diomarie Albarico, na sina Ronilo Japon, 25; Ricky Baria, 40; Abdulhaver Kangan, 41; at Jallen Mabuting, 22, pawang taga-Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sinabi ni Albarico, dakong 3:12 ng hapon nang arestuhin nila ang apat na suspek sa Barangay Balimbingan, Labangan.

Dinidiskarga aniya ng mga ito ang kahun-kahong puslit na sigarilyo sa dalawang truck nang maaktuhan sila ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Labangan Municipal Police Station.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 85 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱2,975,000 ang nasamsam ng mga awtoridad.

Philippine News Agency