Bilang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, inanunsyo ng Ayala Museum na bubuksan nila nang libre sa publiko ang multimedia exhibition na "SPLENDOR: Juan Luna, Painter as Hero" sa Lunes, Hunyo 12, mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.
“Behold the long-lost Luna painting, ‘Hymen, oh Hyménée!’ seen for the first time in the Philippines, as well as our other nine exhibitions,” anang Ayala Museum sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 9.
Ang ‘Hymen, oh Hyménée!’ ay ang long-lost masterpiece ni Juan Luna na huli umanong nakita sa Paris 132 years na ang nakalilipas.
Tinuturing ng mga kolektor ng sining ang naturang obra ni Luna bilang "the holy grail" ng Philippine art.
Samantala, limitado lamang umano ang slot para sa ‘Free Admission Day’ kaya’t maaaring mag-register ang mga nais dumalo sa ayalamuseum.org/freeday.
Bagama’t hindi na libre, pagkatapos ng Araw ng Kalayaan ay magiging bukas pa rin daw ang exhibition hanggang sa Disyembre 30, 2023.