Isang volcanic earthquake at 59 rockfall events ang naobserbahan sa bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Hunyo 10.
Sa kanilang 5 a.m. bulletin, sinabi ng Phivolcs na isang fair crater glow o "banaag" ang makikita sa paligid ng summit nito.
Nananatiling ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) gayundin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.
Nagbabala rin ang Phivolcs laban sa mga posibleng rockfalls o landslide o avalanches; ballistic fragment; lava flows at lava fountaining; pyroclastic density currents pati na rin ang katamtamang laki ng mga pagsabog.
Ang Bulkang Mayon ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 ngunit sinabi ni Direktor Teresito Bacolcol nitong Biyernes, Hunyo 9 na hindi nila inaalis ang posibilidad na itaas ang antas ng alerto ng Bulkang Mayon sa 4.
Samantala, sinabi rin ng Phivolcs na lumitaw ang isang bagong summit lava dome sa Mayon Volcano Crater dahil ang dati nang umiiral nito ay itinulak nang paunti-unti na bumubuo ng rockfall noong unang linggo ng Hunyo.
"Ang Mayon Volcano Network ay nakapagtala ng kabuuang 59 rockfall events sa huling 24 na oras at kabuuang 579 mula noong Hunyo 1, 2023," dagdag nito.
Dhel Nazario