Nagpahayag ang Malacañang ng pagkilala sa kontribusyon ng LGBTQ+ community sa lipunan, at sinabing nakikiisa sila sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

Parehong nagpalit ang Facebook pages ng Office of the President at Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Hunyo 9, ng cover photo kalakip ang kanilang pahayag ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month.

"The Office of the President stands united with the global community in building a world that embraces inclusivity and celebrates love," saad ng opisina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

"This Pride Month, we honor the impact and enriching perspectives of the LGBTQ+ community and remain in our commitment to #ServeWithPride," dagdag nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ng PCO na nakikiisa sila “sa pagsulong ng pagkakaisa, respeto sa kapwa, at pantay-pantay na oportunidad para sa lahat ngayong pandaigdigang selebrasyon ng Pride Month.”

“Ipagdiwang natin ang mga kontribusyon ng LGBTQ+ community and let’s continue to serve with pride!” saad pa ng PCO.