Agad na humingi ng dispensa si "Face 2 Face" host at Philippine Army reservist na si Karla Estrada matapos sitahin ng netizen dahil sa paggamit ng background music na "Bagong Hukbong Bayan" sa kaniyang reel, nang ibahagi niyang isa na siyang army reservist.

Ayon sa Instagram post ni Karla, hindi siya aware na ang nabanggit na awitin ay "tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan."

"Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts na akin ng binura agad. Ito po yy tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist."

"Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin umano na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan."

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel. Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito."

"Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan."

"Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po."

Nakasarado naman ang comment section ng naturang IG post.

Si Karla ay ilan lamang sa celebrities na reservist na sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.

Ilan pa sa kanila ay sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Julia Barretto, JC Tiuseco, Rocco Nacino, Arci Muñoz, Geneva Cruz, Ronnie Liang, at Matteo Guidicelli.

MAKI-BALITA: Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’