Sto. Tomas, Batangas -- Patay ang isang jeepney driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motor noong Biyernes ng gabi, Hunyo 9, sa Maharlika Highway, Barangay Sta. Anastasia sa lungsod na ito.

Dead on the spot ang biktimang si Ruel Catimbang, 40, residente ng Barangay Bagbag, Tanauan City dahil sa mga tama ng bala ng baril habang tumakas naman ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Calamba City, ayon sa Sto. Tomas City police.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kaniyang pampasaherong jeep bandang alas-9 ng gabi papuntang city proper nang mag-full stop dahil sa traffic.

Sa pagkakataong ito, nilapitan umano ito ng suspek na armado ng baril at binaril nang ilang beses ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulis para tugisin ang tumakas na suspek, samantala ang homicide investigators ay nasa proseso pa rin ng pangangalap ng impormasyon at naghahanap ng mga posibleng testigo upang matukoy rin ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.