Mahigit 11,750 trabaho para sa overseas deployment sa hindi bababa sa 17 mga bansa tulad ng Estados Unidos at Germany, ang magiging available sa isang job fair na gaganapin bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Hunyo 10.

Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na lalahukan ang job fair ng 32 pribadong recruitment agencies at dalawang manning agencies.

Ang mga available umanong trabaho ay mga nurse, welder, construction worker, laborer, waiter/waitress, barista, warehouse supervisor, food server, chef, panadero, accountant at seafarer.

Sinuportahan ng DMW ang mga job fair na pinasimulan ng Department of Labor and Employment, sa isang hakbang na tulungan umano ang mas maraming mga Pilipino na naghahanap ng trabaho, at protektahan sila laban sa mga illegal recruiter.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa pahayag ng DMW, ide-deploy ang mga ma-re-recruit sa Guam, The Maldives, Kingdom of Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Japan, Singapore, Bahrain, Papua New Guinea, China at Macau.

Some of the jobs are also for deployment to Irelan, Australia, Germany, United Kingdom, Czech Republic and the USA.

Sinabi ng DMW na gaganapin ang Mega Job Fair site sa opisina ng DMW sa kanto ng Ortigas Avenue at EDSA sa Mandaluyong City mula 8 ng umaga hanggang 5 hapon sa Hunyo 12.

Mahigit 68,000 trabaho umano ang magiging available sa June 12 job fairs na matatagpuan sa hindi bababa sa 42 sites sa buong bansa.

Aaron Recuenco