Nakaamba na naman ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Posibleng ipatupad ang dagdag na ₱1.20 hanggang ₱1.50 sa presyo ng bawat litro ng diesel.

Tinatayang aabot din ng mula ₱1.10 hanggang ₱1.40 ang ipapatong sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Ito ay resulta naman ng ipinatupad na rollback sa presyo ng produkto nitong nakaraang linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nauna nang ipinaliwanag ni Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau chief Rodela Romero na nakaapekto ang nasabing hakbang sa desisyon ng Saudi Arabia na magbawas ng kanilang produksyon.