Napanatili ng Bagyong Chedeng ang kaniyang lakas habang kimikilos patungo sa hilaga hilagang-silang ng Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng hapon, Hunyo 10.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo 870 kilometro ang layo sa silangan ng Extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 150 Hilagang hilagang-silangan sa bilis na 20 km/h at pagbugsong 185 kilometer per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 20 kilometer per hour.

“CHEDENG is forecast to maintain its strength within the next 12 hours before entering a weakening trend tomorrow, although this tropical cyclone is forecast to remain as a typhoon within the forecast period,” anang PAGASA.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Malaki naman umano ang posibilidad na hindi magdadala ng malakas na ulan ang Bagyong Chedeng sa bansa sa susunod na tatlong araw, ngunit ang magdadala ng paminsan-minsang pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa parehong yugto ng panahon.

Wala pa ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA na dulot ng nasabing bagyo.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) ang bagyo sa Linggo ng gabi, Hunyo 11, o sa Lunes ng madaling araw, Hunyo 12.