“Walang pera, no problem.”

Ito ang hirit ng artist na si RJrey Agones Burlat, 34, mula sa Carrascal, Surigao del Sur matapos niyang ibahagi ang kaniyang 3D artwork tampok ang mga pera sa Pilipinas.

Sa panayam ng Balita, ikinuwento ni Burlat, 10 taon nang gumuguhit, na gumamit siya ng watercolor, marker, colored pencils, ballpoint pen, at airbrush para sa kaniyang mga obra.

“Ginawa ko ito tru hyperrealism drawing. Dahan-dahan sa paggaya sa tamang detalye at kung ano ang tamang kulay na dapat gayahin. Kung ano nakikita ng mata ko, ‘yun ang gagayahin ko,” aniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Karaniwan daw ay inaabot si Burlat ng anim hanggang pitong oras para matapos ang isang 3D artwork, depende umano sa pagkadetalyado ng mga ito.

Bagama’t nagtatrabaho siya ngayon sa local government unit ng kanilang lugar, binibigyan pa rin daw niya ng oras at ginagawang sideline ang passion niya sa pagguhit.

“Narerelax po ako pag gumuguhit..parang ‘yun ang laro ko. Hilig ko na, nawawala mga iniisip kong bad,” saad niya.

Ayon kay Burlat, naibenta na rin niya ang naturang 3D artworks ng mga pera na ibinahagi niya sa isang Facebook post.

“Lods. Pa-drawing naman [ng] 1 million. 😁,” hirit naman ng isang netizen sa post ni Burlat.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!