Tinatayang 74.94% o 10,764 sa 14,364 examinees ang pumasa sa May 2023 Nurses Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Sabado, Hunyo 10.
Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Cristin Bagang Pangan mula sa University of the Philippines Manila bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 91.60% score.
Samantala, hinirang na top performing school ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Angeles University Foundation, Cavite State University, Bukidnon State University, Southern Luzon State University - Lucban matapos makakuha ang mga ito ng 100% overall passing rating.
Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Mayo 28 hanggang Mayo 29 sa mga testing center sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.