Napabilang ang Pinoy foods na isaw, proben, dinuguan, bopis, at papaitan sa 50 best lamanloob dishes sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.

Sa inilabas na listahan ng Taste Atlas, nakuha ng isaw ang 16th best spot matapos itong makakuha ng 4.0 rating, habang nasa 22nd spot naman ang proben matapos makatanggap ng 3.9 rating.

Inilarawan ng Taste Atlas ang isaw bilang sikat na Filipino street food dish na binubuo ng minarinate, pinakuluang, at inihaw na bituka ng manok at baboy na kadalasang tinutuhog sa isang stick.

“The marinade is usually prepared with soy sauce, oil, ketchup, garlic, and seasonings. Thoroughly cleaning and boiling the intestines before they are placed on a grill is an essential part of the preparation process because it eliminates all food-born pathogens,” anang Taste Atlas.

Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Ang proben naman umano ay isang mura ngunit masustansya at “satisfying” na meryenda ng mga Pilipino, lalo na ng mga estudyante, at isa rin sa pinakasikat na street food items sa bansa. 

“It is prepared with an unusual chicken organ named proventriculus, a component that is in many ways similar to chicken gizzard,” saad ng Taste Atlas.

Samantala, kinilala bilang top 29 ang dinuguan (3.7 rating), top 36 ang bopis (3.6 rating) at top 50 ang papaitan (3.3 rating) sa listahan ng online food guide.

Ayon sa Taste Atlas, ang dinuguan ay isang pagkaing Pilipino na binubuo ng iba't ibang lamanloob ng hayop na nilaga sa dugo, suka, bawang, at hot peppers.

“Traditionally, it was a dish made with byproducts of pig slaughter, but many regional varieties nowadays use chicken or beef and incorporate various ingredients and spices. This thick, flavorful stew is usually served alongside rice or rice cakes and can be enjoyed as a nutritious breakfast and a hearty lunch or dinner,” anito.

Isa naman umanong tradisyonal na pagkaing Pilipino ang bopis na karaniwang binubuo ng puso at baga ng hayop (karaniwang karne ng baka o baboy) na nilaga kasama ng bawang, sibuyas, at iba't ibang gulay at pampalasa. 

“It is traditionally eaten as an appetizer or a snack accompanied by alcoholic beverages, but it also makes a satisfying main meal with steamed rice served on the side. The variety hailing from Bicol is usually called kandingga,” paglalarawan ng Taste Atlas.

Ayon din sa kilalang food guide, ang papaitan ay isang kilalang Filipino soup. Binubuo naman umano ito ng mga lamanloob ng kambing o baka tulad ng puso, tripe, o atay, na pinakuluang kasama ng bawang, sibuyas, at iba't ibang pampalasa. Ang pinakamahalagang karagdagan sa ulam ay apdo na siyang nagbibigay sa sabaw ng natatanging sour flavor at isang mapusyaw na dilaw na kulay.

“This popular Ilocano dish is always served hot and is usually garnished with sliced green onions and chili peppers,” anang Taste Atlas.

Kamakailan lamang ay inilabas din ng Taste Atlas ang listahan ng ‘50 Best Rated Frozen Desserts in the World’ kung saan napasama naman ang sorbetes at halo-halo ng bansa.

MAKI-BALITA: Sorbetes, Halo-halo, kasama sa ‘50 Best Rated Frozen Desserts in the World’