PAMPANGA -- Hindi bababa sa 42 miyembro ng Anakpawis ang nag-withdraw ng suporta sa Communist Terrorist Group sa Barangay Sto. Tomas, Lubao, Pampanga nitong Sabado, Hunyo 10.

Sinabi ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Jose S. Hidalgo Jr. na iba't ibang law enforcement units ang nanguna sa pag-withdraw ng suporta ng mga naturang miyembro.

"I commend the operating units for a job well done, this also proves that there is really gradual decline of CTGs’ strength in the region,” ani PBGEN Hidalgo Jr.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, naaresto ng awtoridad ng Central Luzon ang tatlong Top Most Wanted Person sa magkahiwalay na manhunt operations sa rehiyon.

Sa Bulacan, naaresto ang Top 1 MWP na kinilalang si Henry Dela Cruz sa bisa ng warrant of arrest para sa two counts of Acts Lasciviousness at five counts ng Qualified Rape na walang inirerekomendang piyansa. 

Sa Nueva Ecija naman, arestado si Elena Valdez, Top MWP sa Cabanatuan City, sa Brgy. Valle Cruz para sa paglabag sa RA 9165.

Habang sa Tarlac naman naaresto si Roy Galvan, Top 1 MWP sa Camiling, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder.