Apat na bata sa Colombia ang natagpuang buhay nitong Biyernes, Hunyo 9, matapos umano silang mawala sa loob ng 40 araw sa kagubatan kung saan bumagsak ang sinasakyang eroplano.

Inanunsyo ang balita ni Colombian President Gustavo Petro.

"A joy for the whole country! The 4 children who were lost 40 days ago in the Colombian jungle were found alive," saad ni Petro sa kaniyang Twitter post kalakip ang larawan ng ilang indibidwal na nkasuot ng military fatigues, na nag-aalaga sa mga bata na nakaupo sa mga trapal sa gitna ng masukal na kagubatan.

Sa ulat ng Agence France-Presse, ang apat na nawawalang bata, na orihinal umanong nagmula sa Uitoto Indigenous group, ay may mga edad na 13, siyam, lima at isa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"Yes, the children have been found, but I need a flight or a helicopter to go and get them urgently," anang lolo ng mga bata na si Fidencio Valencia sa AFP.

Bumagsak umano ang Cessna 206 na sinasakyan nila noong Mayo 1, at natagpuan sa crash site na wala nang buhay ang kanilang ina, ang piloto, at isang kamag-anak na nasa hustong gulang. Doon na naideklarang nawawala ang mga bata bago magtagpuang buhay matapos ang 40 araw.