₱1.70-B irrigation project sa Cagayan, pinasinayaan na!
SANTO NIÑO, CAGAYAN -- Pinangunahan ng National Irrigation Administration ang groundbreaking ceremony ng Calapangan Small Reservoir Irrigation Project na umaabot sa ₱1.70 bilyon ang halaga sa Barangay Abariongan Uneg dito nitong Sabado, Hunyo 10.
Nasa 1,715 ektarya ng lupa dito t asa Lasam ang gagawing irigasyon at tinatayang nasa 887 na magsasaka at kanilang pamilya ang makikinabang mula sa proyekto.
Pinasalamatan ng mga residente mula sa iba't ibang barangay dito at sa Lasam ang gobyerno para sa proyekto.
Ayon sa NIA, susuportahan din ng nasabing proyetko ang programang pang-agrikultura ng gobyerno at food security bilang isa sa mga adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sa kabilang banda, naka-alerto ang 17th Infantry Battalion sa pagbibigay ng seguridad sa posibleng banta ng Communist Terrorist Group.