Tatlong sunud-sunod na pagyanig ang naitala rin sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga pagyanig ay naramdaman mula Huwebes dakong 5:00 ng madaling araw hanggang Biyernes ng madaling araw.

Nitong Hunyo 5, nakapagtala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng sulfur dioxide emission na 1,089 tonelada kada araw.

Naobserbahan pa rin ng ahensya ang pamamaga ng bulkan na senyales ng patuloy na pag-aalburoto nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa ipinaiiral na 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang phreatic explosions.