Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko sa posibleng dulot na panganib sa kalusugan ng pagkakalantad sa sulfur dioxide at ash fall sa gitna ng pag-aalburoto ng Taal at Mayon Volcano.

Bukod sa kalusugan ng tao at hayop, makaaapekto rin sa buhay ng mga tanim ang sulfur dioxide.

"A person may be exposed by breathing air containing sulfur dioxide or through skin contact. People with asthma, particularly children, are sensitive to these effects," anang DOH.

Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na iwasang lumabas ng bahay, isara ang mga bintana at pintuan ung nakatira malapit sa caldera ng Taal Volcano.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinagagamit din ng face mask ang publiko, bukod pa sa protective gear para sa mga mata at balat.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga nakararanas ng asthma, bronchitis, at emphysema, na iwasang malantad sa ibinugang abo ng bulkan.