Tiniyak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga lumikas na mga residenteng malapit sa Bulkang Mayon at Bulkang Taal na nakahanda ang pamahalaan na magkaloob ng tulong sa kanila.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Manila Hotel nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 8, sinabi rin ni Marcos na mahigpit nilang binabantayan ang patuloy na aktibidad ng dalawang bulkan.

“Right now, what we are doing is preparing and moving people away from the area so that, should the time come, I hope it doesn’t happen, but unfortunately the science tells us na parang ganun na nga ang mangyayari kasi ‘yung the lid or the cap on top of the lava is slowly rising, not so slowly rising, at baka puputok nga. Kaya’t nakaabang tayo nang husto at naka-ready na naman tayo,” ani Marcos na iniulat ng Presidential Communications Office (PCO).

“We watch it very, very closely. Make sure that any of the communities that could be affected are evacuated and are given assistance while they are evacuated until the time that they can return to their homes,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Hunyo 8, ang alert status ng Mayon Volcano sa Alert Level 3 (increasing tendency towards a hazardous eruption) dahil sa tumaas na mga kaganapan sa rockfall.

MAKI-BALITA: Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

Sa kaso naman ng Taal Volcano, ayon kay Marcos, ang problema ay nagsimula itong maglabas ng toxic gas, na nagsimulang makaapekto sa mga kalapit na residente.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

“The DOH (Department of Health) is looking after those people and we have analyzed the problem and we know where the wind is blowing. Kaya’t alam na natin kung saan dadaan ‘yung mga toxic na gases kaya’t paiiwasin na natin ‘yung mga tao na nakatira doon sa area na ‘yun,” ani Marcos.