Kinansela muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Hunyo 12 na isang regular holiday.

Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Dahil dito, ang mga sasakyang may registration plate ending na 1 at 2 ay pinapayagan munang bumiyahe sa Metro Manila sa Lunes.

Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na sumunod sa batas-trapiko at mag-doble-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente ngayong long weekend.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol