Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng halos ₱0.42 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Sa abiso nitong Biyernes, inanunsyo ng Meralco na dahil sa taas-singil na ₱0.4183/kWh, ang overall electricity rate ngayong buwan ay aabot na sa ₱11.9112/kWh mula sa dating ₱11.4929/kWh noong Mayo.

Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil ay dulot ng pagtatapos na ng ₱0.87/kWh na refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) kamakailan.

Nabawasan naman ang taas-singil sa kuryente dahil bumaba ang generation charge ng mahigit sa ₱0.40/kwh.

Anang Meralco, ang taas-singil ay katumbas ng ₱84 na dagdag na bayarin sa mga tahanang nakakakonsumo ng 200kwh kada buwan; ₱125 na dagdag na bayarin sa nakakagamit ng 300kwh; ₱167 naman sa kumukonsumo ng 400kwh at ₱209 sa mga nakakagamit ng 500kwh.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagtaas ang Meralco ng singil sa kuryente.