Sinamantala ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagkakataong batiin si dating pangulong Rodrigo Duterte na kinilala umano sa kaniyang mga kontribusyon sa relasyon ng Pilipinas at China.

Sa pagsasalita sa awarding ceremony ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) nitong Huwebes, Hunyo 8, pinuri ni Marcos ang pamumuno ng kaniyang hinalinhan na, aniya, ay susi sa pagpapatibay ng relasyon ng dalawang bansa.

"Perhaps the highlight of this Awards night is the high recognition bestowed to the former President of our Republic—our Tatay Digong Duterte," ani Marcos.

"And I join the entire nation in recognizing the former president for his strong leadership and for all that he has done in building a more resilient nation," dagdag niya.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Kinilala si Duterte bilang kabilang sa APPCU Hall of Fame awardees.

Hindi nakadalo sa awarding ceremony ang dating pangulo, at kinatawan siya ni dating executive secretary Salvador Medialdea.

Sa talumpati ni Marcos, kinilala rin niya si dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pagpapasigla umano nito ng Association for Philippines-China Understanding (APCU).

"The role of the former president, president Gloria Macapagal-Arroyo in rejuvenating the APCU organization, which led in many ways to the launching of these Awards, must certainly be recognized," aniya.

"In doing so, she recognized the great importance of maintaining mutual understanding between our two countries," saad pa ni Marcos.

Si Arroyo ay palaging bahagi ng delegasyon ni Marcos sa kaniyang mga paglalakbay sa ibang bansa. Tinawag pa niya itong "secret weapon," na nagbibigay umano sa kaniya ng payo sa ilan sa kaniyang mga pagpupulong sa Thailand at China.

Ang APPCU, isang joint undertaking na pinamumunuan ng APCU at ng Chinese Embassy sa Pilipinas, ay isang novel award-giving body na nagbibigay ng espesyal na pagpupugay sa mga Pilipino na nagsikap na palakasin ang pagkakaibigan at itaguyod ang mutual understanding sa pagitan ng Pilipinas at China, gamit ang kani-kanilang adbokasiya at kadalubhasaan sa iba't ibang larangan at disiplina tulad ng mass media at serbisyo publiko; kalakalan at komersiyo; at, sining, kultura, at mga agham.

Betheena Unite