Magandang balita para sa mga train commuters dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa Lunes, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.
Ito'y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Sa abiso ng mga pamunuan ng LRT-1 at LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.
"GOOD NEWS, mga ka-riles! Bilang pagdiriwang ng ika-125 taon ng Araw ng Kalayaan, magkakaroon ng LIBRENG SAKAY para sa mga #LRT1 passengers sa darating na ika-12 ng Hunyo 2023 (Lunes) mula 7:00am – 9:00am at 5:00pm – 7:00pm," abiso ng LRT-1, na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).
"Tara tren na! Ingat po sa biyahe!"