Pinawalang-sala ng Makati Regional Trial Court (RTC) si Rolan “Kerwin” Espinosa at isa pang akusado sa kaugnay sa isinampang kasong drug trafficking noong 2015.

“Wherefore, in view of the foregoing, the Demurrer to Evidence filed by both accused are hereby granted. Accordingly, Rolan E. Espinosa and Marcelo L. Adorco are hereby acquitted of the offense charged on reasonable doubt. They are ordered immediately released from detention unless they are confined for any other lawful cause,” ayon sa desisyon ni Presiding Judge Veronica Tongio-Igot ng RTC Branch 65 nitong Hunyo 6.

Sinabi ng korte, nabigong magharap ng sapat na ebidensya ang prosekusyon upang patunayan ang pagkakasala ng dalawang akusado.

Nag-ugat ang kaso matapos umanong magkasundo sina Espinosa, Adorco, Peter Go Lim at Ruel Malindangan sa pamamagitan ng paggamit ng electronic devices upang magbenta ng 50 kilo ng droga sa isang mall sa Barangay Palanan, Makati noong Hunyo 7, 2015.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Jonathan Hicap at Patrick Garcia