Dahil sa popularidad ng Kapamilya noontime show, maging ang mga segment nito ay nagagamit na sa panloloko, bagay na pinaalala na ng pamunuan nitong Biyernes, Hunyo 9.

Sa online broadcast ng “">It’s Showtime,” muling binalaan ng ilang host ng It’s Showtime Online U ang mga naglipana umanong message na nagsasabing bahagi sila ng programa.

Paalala ng mga host, siguraduhin at maiging dobleng i-check kung ang mga mensaheng natatanggap ay talagang galing sa mga kinatawan ng kanilang show.

Dagdag nila, hindi kailanman nanghingi ng pera ang pamunuan kapalit ng ilang oportunidad sa mga audition kagaya ng segment na “Tawag ng Tanghalan.”

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Hindi nakaligtas sa modus maging ang latest TNT champion na si Lyka Estrella na ibinahagi rin ang karanasan kung saan ginamit aniya ang kaniyang pangalan para makapanglikom ng halaga via online app.

Sa huli, muling pinaalalahan ng host ang madlang pipol na lalong mag-ingat at maging mabusisi sa mga kagayang transaksyon.