Isa ang nanalo sa mahigit ₱15.8 milyong jackpot sa isinagawang 6/49 Super Lotto draw nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng mananaya ang winning combination na 17-15-37-45-13-31.

Nakalaan sa nasabing draw ang ₱15,840,000,00, ayon sa PCSO.

Hindi pa isinapubliko ng PCSO kung saan binili ang winning ticket.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.