Bahagyang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes.

Mula 5.7 porsyento ng unemployment rate noong Abril 2022 ay naging 4.5 porsyento na lamang ito sa kaparehong buwan ngayong taon.

Paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa, nasa 2.26 milyon na lamang ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba kumpara sa 2.76 milyon nitong nakaraang taon.

Ikinatwiran ng PSA ang pagbubukas pa ng ekonomiya ng bansa mula sa pagbagsak nito dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ilang taon na ang nakararaan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Dahil dito, tumaas naman sa 95.9 porsyento ang employment rate nitong Abril 2023 kumpara sa 94.3 porsyento noong 2022.

"Basically this is because we see the reopening of the economy, there are more tourists, more people are going out that's why the largest source of employment are the accommodation and food service activities plus transportation," dagdag pa ni Mapa.

Philippine News Agency