Pinalilikas na ang aabot sa 1,000 pamilya o 5,000 na residente ng Guinobatan sa Albay dahil na rin sa nakaambang pagsabog ng Mayon Volcano.

Sa panayam sa telebisyon nitong Biyernes, binanggit ni Guinobatan Vice Mayor Gemma Ongjoco na inabisuhan na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lahat ng nasa 7-kilometer radius mula sa bulkan na mag-evacuate na muna para na rin sa kanilang kaligtasan.

Itinaas na sa Level 2 ang alert status ng bulkan nitong Huwebes dahil sa senyales ng posibleng pagsabog nito.

Handa na rin aniya ang mga paaralan na magsisilbing evacuation center ng libu-libong residente.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kaugnay nito, binalaan din ni Ongjoco ang mga turista na nanonood sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano

"Mag-a-attract ng turista kapag gabi talaga 'yung mga glowing crater, maganda pero kapag tumama na ang ulan, delikado talaga po,” pahayag pa ni Ongjoco.