Usap-usapan ngayon ang ilang hirit ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa Thursday episode ng "It's Showtime," Hunyo 8, 2023, sa kabila ng mga isyung umiikot ngayon sa noontime viewing habit ng mga manonood.

Kumakalat ngayon sa Twitter ang tila makahulugang pahayag ni VG tungkol sa pakikinig ng Showtime sa madlang pipol, tawag sa avid Showtime viewers.

Naganap ito sa segment na "Rampanalo" kung saan patuloy sa pagpili ng "Rampa" ang contestant. Ibig sabihin, pinaninindigan niya ang pinili niyang pagkakasunod-sunod ng kahon.

Ang madlang pipol naman, "Rampalit" ang isinisigaw at itinataas na plakard.

National

VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

"Ang tigas ng ulo mo," singit ni Vice. "Pinapuputok mo ang panubigan ko, nanggigigil ako sa 'yo."

Maging si Vice Ganda, rampalit ang sigaw subalit nagmatigas ang contestant na panindigan ang kaniyang desisyon.

"Sige, matigas ang ulo mo... buksan mo 'yan..."

Pagbukas nga ng kahon na hawak ni Cianne, -₱20k ang nakalagay kaya nabawasan ang kaniyang pera at naging ₱28k na lang.

Sa dalawang huling kahon, muli siyang tinanong kung rampa o rampalit, ngunit hiningi muna ang payo ni Vice.

"Hayaan mo siya, matigas ang ulo eh. Hayaan mong mapahamak. Binigyan ng idea, hindi pa nakinig. Panindigan mo 'yan. Sa panahon na 'to, ang daming taong may maling desisyon," anang Vice na ikinahiyaw naman ng madlang pipol at ikina-react ng hosts.

"Gusto n'yong panindigan 'yang desisyon n'yo ha? Tingnan n'yo... balang araw... gusto n'yo 'yan ha? Oh ehhhh 'di sigeeee," sey pa ni Vice.

Pagpapatuloy pa ng TV host, "Sige, sige huwag kayong makinig sa madlang pipol. Ayaw ninyong makinig sa madlang pipol ha? Panindigan mo."

Nang buksan nga ang kahong hawak ni Ogie, divided by 10 ang lumabas kaya ₱2,800 na lang ang para sa kaniya.

"Hayan, di ka nakinig sa madlang pipol," sundot pa ni Vice.

Sa bandang dulo, nagrampalit na rin ang contestant.

Tinanong muna ni Tyang Amy Perez si Vice Ganda kung tama ba ang desisyon ng contestant.

“At least, habang hindi pa huli ang lahat, nakinig ka sa madlang pipol. Kultura natin sa Showtime 'yan eh. We always listen to the madlang pipol, 'di ba? If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong. Because the madlang pipol is the heart, the heart that will lead you to the right path," ani Vice.

https://twitter.com/viceysupremacy/status/1666670690752409610

"Thank you, madlang pipol" segunda naman ni Vhong Navarro.

"Para tuloy-tuloy ang happiness natin," ani Tyang Amy.

"Yes!" sambit pa ni Meme Vice.

Ang huling kahon ay may x3 kaya nag-uwi ang player ng ₱8,400.

Bagama't patungkol naman sa laro ang kaniyang mga sinabi, naniniwala ang mga netizen sa Twitter na may laman ang mga sundot na jokes ni Vice, lalo na sa inaabangang kapalaran ng It's Showtime sa TV5, ngayong lumipat na rito ang TVJ.

Puwede rin daw na parinig ito ng komedyante-TV host sa TAPE, Inc. na nagpapa-ere pa rin ng noontime show gamit ang titulong Eat Bulaga, kahit na maraming nagsasabing palitan na lang ito upang maka-move on na rin ang lahat, at makapagsimula na rin ang mga bagong hosts na ipinalit nila rito.

May mga nagsabi namang baka nagkataon lang at may ibang pinatutungkulan si Vice, dahil generally speaking ay aplikable naman ito sa lahat, kahit sa ibang sitwasyon.