Tila nanibago ang Twitter users sa "katahimikan" ni GMA headwriter Suzette Doctolero dahil lately raw ay parang hindi siya patolera sa bashers ng "Voltes V Legacy" at tila nanahimik nang bahagya sa naturang social media platform.

Kung papansinin nga ang kaniyang tweets, tila pa-retweet-retweet lang ang writer patungkol sa ilang mahahalagang isyung panlipunan.

Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa mga kaguluhang nagaganap sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga," at pinagtanggol pa ang isa sa mga host ng bagong EB na si Paolo Contis.

Ngunit sa mga naninibago at naghahanap kay Doctolero, siya na mismo ang nagsabing busy siya kaya wala siyang time mambarda ngayon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

"Para sa mga naghahanap daw sa akin: Busy po ako kaya di makabarda. Dami ganap sa buhay, karera at ilang mga bagay na magdudulot ng hayahay na life. Char!" aniya sa tweet.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1666440140292755456

Hindi naman niya pinalagpas ang isang basher na "wa care" daw sa kaniya.

"Salamat sa time na pinansin mo ang post ko kahit di kita kilala at hindi ako aware sa existence mo before ka nag post na wala kang pake sa pake ko. Good job, iho, sa pagpapanggap na walang pake. Char! Biro lang. Hahaha."

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1666627685097828352