Muling ipinagmalaki ni Manila Mayor Honey Lacuna ang hospital system ng lungsod matapos na muling magbunga ng karangalan para sa pamahalaang lungsod.

Nabatid nitong Huwebes na ang Sta. Ana Hospital (SAH) sa pamumuno ng Director nitong si Dr. Grace Padilla, ay nagwagi ng tatlong medalyang ginto at dalawang medalyang pilak sa katatapos na 26th Search for the Most Outstanding Quality Improvement Studies (QIS) in Health facilities at 12th Continuous Quality Improvement (CQl) poster contest.  

Nabatid na napanalunan ng pagamutan ang mga medalyang ginto at pilak sa QIS category.

Maliban pa dito, sinabi ni Lacuna na ang SAH ay nanalo rin ng 1st at 3rd prizes sa CQI poster category. 

Metro

400 cancer at dialysis patients, natulungan sa People's day sa Maynila

"Congratulations and more power! You made the City of Manila proud," pahayag ni Lacuna, na isa ring doctor. 

Nabatid kay Padilla, na first time na sumali ng SAH sa quality research improvement studies.

Sinabi pa nito na ang karangalan ay natamo sa Philippine Society for Quality in Healthcare (PSQua) Midyear Convention na ginawa nitong June 1 at  2, 2023.

Napag-alaman pa na ang  plaque of recognition para sa nasabing karangalan ay opisyal na igagawad sa Nobyembre ng 2023. 

Samantala, sinabi ni Lacuna na base sa ulat mula kay Padilla, ang SAH ay nagsasagawa ng libreng surgical operation sa pasyenteng may  cleft lip at palate problems.

Ito, ayon kay Padilla ay resulta ng mahigit isang dekadang partnership ng city of Manila at "Operation Smile"

Ang surgical program ng SAH na ginagawa ni Padilla sa tulong ng Rotary Club of Manila, ay naganap mula May 29 hanggang June 2,2023. 

May 97 pasyente ang nagpunta sa ospital at nagpa- screened. Sa nasabing bilang ay 37 ang sumailalim sa operasyon habang  40 naman ang na-admit na pawang  Manilans at non-Manilans.