Hinangaan ang isang merchandiser sa isang supermarket sa Sayre Highway, Valencia City, Bukidnon, matapos niyang isalansan nang maayos ang mga noodles batay sa kulay ng watawat ng Pilipinas, bilang pagpapakita ng suporta sa nalalapit na pagdiriwang ng 125th Philippine Independence Day o Araw ng Kalayaan/Kasarinlan, sa darating na Hunyo 12.

Makikita ang mga larawan nito sa Facebook post ni "Bhen-j Agudera" kung saan kuhang-kuha ang bandila ng Pilipinas batay sa kaniyang pagkakaayos sa estante.

Dahil dito, nakipag-ugnayan pa sa kaniya ang brand ng noodles na ginamit niya para dito.

“Hi, Bhen-j! Salamat sa pagbahagi ng Happy We! moment na ito. Maaari ba naming i-share ang post mo sa aming page para makita rin ng ibang Lucky Me! fans?” komento rito ng brand.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Yes po!" tuwang-tuwa namang pagpayag ng merchandiser.

Ayon sa panayam ng Balita kay "Benjie Agudera," hindi ito ang unang beses na nagsalansan siya ng mga noodles batay sa kulay ng Philippine flag. Nagawa na niya ito sa iba pang supermarket kung saan siya na-assign.

Dalawang oras daw ang ginugol niya sa paggawa nito.

"Naisipan ko kasi last year ginawa ko rin po 'yan sa ibang outlet/grocery na na-assign ako... tinry ko lang po ngayon sa NVM Supermarket kasi malapit na rin yung Independence day," ani Agudera.

Ibig bang sabihin nito, hindi na puwedeng kuhanan ang estante dahil baka masira?

"Hinahayaan ko lang po sila na kumuha at pag nakaalis na po ang customer saka ko na po nirerefill," aniya.

Request at panawagan ng netizens, sana raw ay bigyan ng bonus, incentive, o supply ng noodles ng kompanya o supermarket si Agudera dahil sa kaniyang pagka-malikhain at pagkamatiyaga.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!