Nalugi na ng mahigit ₱125 milyon ang mga magbababoy sa Negros Occidental matapos maapektuhan ng hog cholera.

Sa datos ng Provincial Veterinary Office nitong Huwebes, umabot na sa 11,056 ang nangamatay na baboy o 9.77 porsyento ng 113,107 na kabuuang populasyon ng baboy sa lalawigan.

Dahil dito, plano ngayon ni Cadiz City Mayor Salvador Escalante, Jr. na magbigay ng dagdag na financial assistance sa mga magbababoy sa kanilang lungsod.

“I think the province will give ₱2,000 (for each household). Whatever we can add, we will provide to the affected hog raisers but we don’t have yet a figure as of now,” aniya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa anim na distrito na ang apektado ng nasabing sakit sa lalawigan, kabilang na ang 4th District na sumasaklaw sa San Enrique, Valladolid, Pulupandan, Pontevedra, Bago at La Carlota.

Philippine News Agency