"Eat Bulaga" pa rin daw ang gagamiting titulo ng noontime show ng TVJ at iba pang original Eat Bulaga hosts na nag-exodus sa programa nila sa GMA Network produced by TAPE, Inc., ayon kay dating senate president Tito Sotto III.

Sa ngayon, "Eat Bulaga" pa rin ang titulo ng kanilang nilayasang noontime show na may bagong line-up ng hosts, sa pangunguna nina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar.

Nanindigan si Titosen na sa kanila ng TVJ ang titulong iyon, na ayon sa panayam naman nina Julius Babao at Cheryl Cosim kay Joey De Leon, siya raw ang nakaisip nito noong 1979 habang kumakain sila sa kusina ng dating senador.

At mukhang sa husgado na mapupunta ang usaping ito kung sakali, dahil tila ayaw ding pakawalan ng TAPE ang pamagat na "Eat Bulaga" pati na ang "Dabarkads."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaya naman ang tawag sa TVJ at dating EB hosts at "legit Dabarkads."

Ayon pa kay Titosen, sa panayam naman nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang programang "Cristy Ferminute," mukhang sa unang linggo pa ng Hulyo mapapanood sa noontime ang TVJ at iba pang mga kasama, upang maplantsa at mapagplanuhan pa nila ang pagbabalik sa telebisyon with a bang.

Kahapon, Hunyo 7, pormal at opisyal nang inihayag na nakahanap na ng bagong tahanan ang TVJ, sa TV5 Kapatid Network.

MAKI-BALITA: TVJ sa TV5 na; It’s Showtime, ma-etsa puwera ba?

Palaisipan pa rin kung ano na ang magiging kapalaran ng "It's Showtime" na kababalik lamang sa 12:00 ng tanghali sa TV5 matapos matigbak sa ere ang "Tropang LOL."