Tutugon kaagad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sakaling sumabog muli ang Mayon at Taal Volcano.

Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at sinabing handa na ang halos 100,000 family food packs na ipamamahagi sa mga local government unit sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay at Taal Volcano sa Batangas kapag lumala pa ang sitwasyon.

Nakahanda na rin aniya ang mga quick response team, bukod pa ang monitoring team na iikot sa mga lugar sakaling magkaroon ng volcanic eruption.

"We continue to stockpile to make sure na kung mayroong mangyari, we are ready to augment the local government’s efforts,” aniya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kaugnay nito, binisita na ng DSWD Field Office (Region 5) ang mga evacuation center sa Guinobatan, Camalig at Daraga upang matiyak kung puwede pang magamit.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot na 98 rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.

Patuloy namang nagbubuga ng nakalalasong usok ang Taal Volcano na ikinaalarma ng mga residente sa palibot ng bulkan.

Philippine News Agency