Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng hatinggabi, Hunyo 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:17 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 210 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 44 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.