Posibleng sa Martes pa lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Chedeng na kumikilos pa rin sa Philippine Sea nitong Huwebes.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Hunyo 8, ang bagyo ay inaasahang 1,930 kilometers silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon o labas na ng PAR sa Hunyo 13 ng madaling araw.

Huling namataan ang bagyo 1,090 kilometers silangan ng northern Luzon habang kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour (kph).

Nasa 95 kph ang lakas ng hangin nito bukod pa sa bugsong hanggang 115 kph.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mananatili pa ring malayo sa kalupaan ang bagyo ngayong Huwebes hanggang Biyernes, Hunyo 9, ng hapon kung saan babagal ito.

Sa Sabado, inaasahang bibilis ang bagyo habang kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran o hilagang silangan.

Sinabi pa ng PAGASA, maliit pa rin ang posibilidad na maglabas sila ng warning signal ng bagyo sa mga susunod na araw.