Inaasahang lalabas na ng bansa sa Lunes ang bagyong Chedeng na may international name na Guchol.

Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas pa rin ang bagyo habang nananatili pa rin sa Philippine Sea nitong Huwebes ng gabi.

Malayo pa rin sa kalupaan ang bagyo na kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran hanggang sa Biyernes ng hapon.

Posible ring lilihis ang bagyo pa-hilaga hanggang sa Sabado ng hapon kung saan inaasahang hihina hanggang Linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, nagbabala pa rin ang PAGASA sa posibleng paglakas nito sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Namataan ang bagyo 905 kilometers silangan ng Central Luzon na kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dala nito ang hanging 130 kph malapit sa gitna at bugso na hanggang 160 kph.

Sa susunod na tatlong araw, posibleng maapektuhan ng Southwest Monsoon (habagat) ang Visayas, Romblon, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan, kabilang na ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Camiguin.