Humigit-kumulang 200 pasahero sa Austria ang inilikas nitong Miyerkules, Hunyo 7, matapos umanong masunog sa isang tunnel ang sinasakyan nilang tren.

Sa ulat ng Agence France-Presse, ibinahagi ng lokal na pulisya na tinatayang 45 pasahero ang nagtamo ng minor injuries na maaaring dahil sa pagkalanghap ng usok.

Ayon sa tagapagsalita ng Austrian rail operator, ang naturang tren na patungo sa Hamburg at Amsterdam ay dumaan umano sa isang tunnel malapit sa lungsod ng Innsbruck sa Austrian Alps nitong Miyerkules ng gabi nang maputol ang overhead wire nito.

Bukod sa mga pasahero, lulan din umano ng nasabing tren ang automobiles na siyang nasunog dahil sa nasirang overhead wire.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sinabi ng opisyal na dakong 10:19 ng gabi naapula ang sunog at natapos ang paglikas ng 11:40 ng gabi sa oras ng Austria.

Umalis umano sa Vienna ang tren nitong Miyerkules ng gabi at nakatakdang dumating sa Amsterdam nitong Huwebes ng umaga.