Muling iginiit ni Sen. JV Ejercito na hindi dapat i-bash ang bagong hosts ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga."

Nauna nang nag-trending ang tweet niya noong Hunyo 5, sa muling pag-ere nito na may bagong line-up ng hosts, na kailangan yatang lagyan ng "name plates" ang baguhang hosts sa show.

Ang Eat Bulaga raw ay nakatatak na talaga sa TVJ at iba pang Dabarkads hosts.

MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngunit agad din naman siyang kumambyo at sinabing huwag silang i-bash dahil nagtatrabaho lamang sila.

MAKI-BALITA: Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Ngayong Miyerkules, Hunyo 7, muling nag-tweet si Ejercito tungkol dito.

"As much as I feel sad about the TVJ-EB issue, as I have mentioned, the talents in the new Eat Bulaga shouldn’t be bashed."

"They have nothing to do with all the squabble."

"Trabaho lang naman. ✌🏾."

https://twitter.com/jvejercito/status/1666274023570022400?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

May mga netizen ang sumang-ayon at kumontra sa kaniyang sinabi. May mga nagsabing tama ang senador at trabaho ito; kung tinanggap nila ang hosting job, bahagi ito ng kanilang propesyunalismo at pangangailangan na ring kumita.

Kumbaga, praktikal na rin.

May mga nagsabi namang kung may delicadeza at paggalang daw ang bagong hosts, dapat daw ay tumanggi sila. Hindi raw lahat ay "pera-pera." Naungkat pa ang ibang celebrities na inalok daw subalit maayos na tumanggi hangga't hindi napapalitan ang pangalan ng noontime show.

May mga nagpayo naman sa senador na huwag nang makialam sa usaping showbiz at magpokus na lamang sa trabaho bilang senador.